May magandang balita para sa Pinoy basketball fans. Mapapanood sa Pilipinas ang Team USA para maglaro sa group games ng 2023 FIBA World Cup.

Inanunsiyo nitong Lunes ng FIBA, na ang mga host country (kabilang ang Pilipinas) sa pumili ng mga koponan na maglalaro para sa Group Phase na gagawin sa kani-kanilang bansa.

Pinili ng Pilipinas ang Team USA, Slovenia sa Japan, at sa Indonesia naman ang Canada.

"FIBA’s Central Board has confirmed, after consultation with the host nations, that USA will play in the Philippines, Slovenia will travel to Japan and Canada will land in Indonesia. Both Slovenia and Canada have qualified for the World Cup, while USA are in a good position to clinch a berth in the tournament field in the last Window of the Qualifiers," ayon sa pahayag ng FIBA.

"Each host could select a preferred team based on commercial reasons, as their choice will have no impact on the integrity of the event or the draw process," dagdag ng FIBA.

Gaganapin ang huling qualifying window sa Pebrero 2023. Idaraos naman ang FIBA World Cup draw sa Abril 29.

Sa sagupuan na gagawin sa bansa, nasa magkaibang grupo [apat na team] ang USA at Pilipinas. Tig-dalawang grupo rin ang maglalaban-laban sa Japan at Indonesia.—FRJ, GMA Integrated