Sinalakay ng mga autoridad ang isang online lending company matapos itong ireklamong nagbabanta at namamahiya umano ng hindi nakakapagbayad na customers.
Sa ulat ni Jun Veneracion sa “24 Oras,” dahil sa mga reklamong natanggaap ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group mula sa mga biktima, pinasok ng mga awtoridad ang Sand Cash Lending Investors Lending Corporation sa Maceda Street, Manila.
Doon ay inabutan sa loob ang mga empleyadong nagtatrabaho gamit ang kani-kanilang mga computer.
Ang isa sa mga biktima, sa P2,000 inutang daw niya ay mahigit 50% ang interest o patong nito.
“Nung una mabait pa sila sa amin, ngayon yung pang tatlong beses ata o apat, doon na sila nagmumura. Tapos ‘yung mga katrabaho ko pati misis ko, mine-message. Tapos sinamahan ng may mura,” aniya.
Samantala, itinanggi naman ito ng ilan sa mga empleyado ang umanong pamamahiya nila sa mga hinid nakakapagbayad na customers.
“Hindi po, never po. Hindi po ‘yun tino-tolerate ng company,” depensya ng isang empleyado.
Ayon sa mga awtoridad, possible silang maharap sa grave threat, cyber libel at misuse of device.
“Yung mga incorporators nito based on the registered names under the Securities And Exchange Commission, they will be included on the filling of the case,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Jay Guillermo, PNP Anti-Cybercrime Group, Chief PIO.
Titignan po natin maamkung ano pong makikita ng ating ongoing foreinsic examination kung may makikita po tayo na mga criminal actions na nagyare po ito ay icconfiscatr po namin lahat ng mgfa computer at gadgest, ayon naman kay Police Major Ely Compuesto, of AGC Eastern District.
Samantala, sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ng nasabing lending company. —Sherylin Untalan/NB, GMA Integrated News