Nasawi ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa matukoy na salarin nitong Huwebes ng hapon sa Quiapo, Maynila.
JUST IN: Lalaki, patay matapos barilin sa Bautista St., Quiapo, Maynila. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/CnlqA71OsA
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 1, 2022
Sa ulat ni Luisito Santos sa Dobol B TV, sinabing nakasuot ng kulay itim na t-shirt ang biktima, na humandusay sa Bautista Street.
Tinakluban muna ng karton ang bangkay ng biktima.
Sinabi ng ilang residente na nakarinig sila ng sunod-sunod na putok bago mag-2 p.m.
Ayon pa sa ilan sa kanila, tinangka pa ng biktima na tumakbo paalis sa lugar kung saan siya binaril, bago bumulagta sa bahagi ng Bautista Street.
LOOK: Ambulansya ng barangay, tinamaan ng bala sa nangyaring pamamaril sa Quiapo, Maynila @dzbb pic.twitter.com/z5toUt5oxy
— Luisito Santos (@luisitosantos03) December 1, 2022
Kinordon na ng pulisya ang crime scene para magsagawa ng imbestigasyon at matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ng mga suspek. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News