Sa loob lang ng mahigit 20 minutong sunog, nasawi ang anim na miyembro ng isang pamilya sa Navatos nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat ni Carlo Mateo sa Dobol B TV, sinabing nangyari ang trahediya sa Area 5, Barangay Dagat-Dagatan sa Navotas City.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection ang mga nasawi na sina:

Donsito Boiser, 41-anyos, ama
Reynosa Muscoso, 41, ina
Raymond Boiser, 10, anak
Arriana Boiser, 3, anak
Reinna Boiser, 2, anak
Natalia Boiser, 14, pamangkin

Umabot lang sa first alarm ang sunog na nagsimula dakong 5:21 a.m. at idineklarang fireout dakong 5:44 a.m.

Gawa umano sa light materials ang bahay ng mga biktima. 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. — FRJ, GMA Integrated News