Sugatan ang isang lalaki matapos siyang mahagip at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa San Andres Bukid, Maynila nitong Lunes.

Ayon sa opisyal ng Barangay 799, sinisigawan ng mga taga-PNR ang lalaki dahil masyado itong malapit sa paparating na tren.

Tila hindi narinig ng lalaki ang sigaw ng mga tauhan ng PNR.

Sumabit ang kanyang bag sa gilid ng tren nang ito ay umabante.

Naisugod sa ospital ang lalaki.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng biktima. —KG, GMA News