May malakihang bawas-presyo na ipatutupad sa mga produktong petrolyo sa Martes.
Sa inilabas na abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., sinabi nito P2.10 per liter ang tapyas nila sa presyo ng gasolina, P2.20 sa diesel, at P2.55 naman sa kerosene.
Kaparehong presyo rin ang ibabawas ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene na hindi kasama sa kanilang produkto.
Ipatutupad ang rollback simula 6 a.m. sa Martes, August 9, maliban sa Cleanfuel na 8:01 am sa Martes ang simula.
Hindi pa naglalabas ng abiso ang ibang kompanya ng langis.—FRJ, GMA News