Inararo ng isang 14-wheeler truck ang center island sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City nitong Linggo ng tanghali.
Ayon sa ulat ni Ralph Obina sa Super Radyo dzBB, nangyari ang aksidente sa northbound lane pagbaba ng flyover sa tapat ng SMDC.
Wasak ang unang bahagi ng truck matapos banggain ang flowerpots at poste ng kuryente na nasa center island.
Batay sa kuwento ng driver ng truck, bigla umanong huminto ang sinusundan nitong sasakyan at hindi umano kumapit ang preno ng truck, ayon sa traffic enforcer na si Meticia Ancheta.
Kaya sa halip na mabangga ang sasakyan sa harap, kinabig na lang ng driver ang truck patungo sa center island.
14 wheeler truck, inararo ang center island sa Roxas Blvd. - Northbound sa Pasay City | @ralphobina
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 17, 2022
????: 594 kHz AM band
????: https://t.co/Jl7zdr26Yg
????: https://t.co/Jy4ATG1v0v pic.twitter.com/8imiyl9uIq
Wala naman nasaktan sa insidente, pero bahagyang bumigat ang daloy ng trapiko sa Roxas Boulevard.
Mag-aalas dos na ng hapon nang matanggal ang truck sa lugar. —Mel Matthew Doctor/LBG, GMA News