Kontrolado na ang sunog sa isang bahagi ng Hospital of the Infant Jesus Medical Center sa Sampaloc, Maynila.

Iniulat ni Darlene Cay sa Unang Balita na ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog dakong 4:44 a.m. nitong Biyernes sa isang bahagi ng ospital.

Iniakyat sa unang alarma ang sunog na nagsimula sa unang palapag ng gusali.

Agad naman umanong inilikas ang mga pasyenteng nasa loob.

Ayon sa isang opisyal ng ospital, hindi aabot sa 10 ang bilang ng mga payenteng inilabas sa ospital.

Galing umano ang mga ito sa general ward at lahat sa kanila ay nasa stable na kalagayan.

Iniimbestigahan na ang sanhi ng sunog at ang lahaga ng pinsala nito. —LBG, GMA News