Nahuli ang isang lalaki na wanted sa Zamboanga del Norte dahil sa panggagahasa umano matapos ang 13 taon niyang pagtatago.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing dinakip ang suspek ng Pandacan Police sa kaniyang pinapasukan.

Bago nito, tinugis ang lalaki matapos niyang gahasain umano ang isang 17-anyos na babae.

Giit naman ng suspek, may relasyon sila ng biktima at nais niyang panagutan ang ipinagbubuntis nito, pero tumutol ang mga magulang ng babae.

Depensa pa ng suspek, hindi siya nagtago at wala siyang alam na kinasuhan siya. —Jamil Santos/VBL, GMA News