Hindi na naman matutuloy sa ikalawang pagkakataon ang sagupuan nina John Riel Casimero at Paul Butler. Dahil ito sa ginawa umanong pagsa-sauna ng Pinoy boxer para magbawas ng timbang na ipinagbabawal ng British Boxing Board of Control’s (BBBoC).
Nakatakda sanang idepensa ni Casimero ang kaniyang WBO world bantamweight title laban kay Butler sa Echo Arena sa Liverpool, England sa Abril 22.
Dahil sa pagkawala ni Casimero, inihayag ng WBO na ang Pinoy na si Jonas Sultan ang makakaharap ni Butler para sa WBO interim bantamweight title.
“The British Boxing Board of Control have been made aware (with supporting evidence) that Mr. Casimero had made use of a sauna in close proximity to his World Boxing Organisation Championship contest on 22nd April 2022 in Liverpool,” ayon sa BBBofC na inilabas ng World Boxing Organization.
“As you are aware, this is against the BBBofC’s medical guidelines and therefore we cannot permit him to compete in the proposed contest on Friday. For your additional advice, Mr. Casimero has completed two check weights with BBBofC Inspectors since arriving in the UK. These check weights have shown an alarming reduction in weight of 10lbs in only three days,” sa pahayag.
Pinagpapaliwanag din si Casimero sa loob ng 48 oras kung bakit hindi dapat alisin sa kaniya ang belt bilang WBO world bantamweight king.
Noong nakaraang Disyembre dapat unang maganap ang paghaharap nina Casimero at Batler sa Dubai pero hindi rin natuloy nang biglang isugod sa ospital ang Pinoy champ dahil sa pananakit ng tiyan. --FRJ, GMA News