Sinabi ng isang grupo ng trader ng mga gulay na tinatayang P2.5 milyon araw-araw ang nalulugi sa mga magsasaka sa La Trinidad, Benguet ngayong 2022 dahil sa pagdagsa ng mga puslit na carrots na galing China.
Sa Senate hearing nitong Lunes, sinabi ni Agot Balanoy, public relations officer ng League of Association ng LA Trinidad Vegetable Trading Areas, na dumoble ngayong 2022 ang dami ng smuggled carrots sa 40 porsiyento mula sa 20 porsiyento noong 2021.
“Starting last year, the decline of our orders coming from the different key markets declined to 20 to 40 percent. So, last year, 20 percent lang, but this year, because the volume of the smuggled carrots [has] doubled, nag-doble na rin po ‘yung decrease ng orders,” ayon kay Balanoy.
“So the monetary value of this percentage, at an average, is equivalent to P2.5 million per day, which is a loss on the part of the farmers,” dagdag niya.
Sinabi ni Balanoy sa pagdinig na mas pinipili ng mga mamimili ang puslit na carrots ng China dahil mas tumatagal ang mga ito kumpara sa lokal na produkto.
“So these are another effect of the smuggling. There are a lot of unsold local or Benguet carrots in the markets because they — our consumers or our buyers in the end market — prefer to buy the smuggled carrots coming from China mainly because according to the consumers, the China carrots can be stored for two months and it will not be destroyed while our Benguet carrots are easily destroyed within two to three days,” paliwanag niya.
“There are a lot of local carrots that are being dumped,” patuloy niya.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na dapat suriin ng mga awtoridad ang mga puslit na carrots dahil maaaring may kemikal ang mga ito kaya mas matagal bago mabulok.
“Isa sa mga dapat malaman, yung mga carrots na galing sa abroad or imported or smuggled, usually smuggled kaya tumatagal ng dalawang buwan yun, may gamot yun. Kaya hindi nila dapat binibili,” giit ng senador.
Ang pagdinig ay isinagawa ng Senate Committee of the Whole para alamin ang lawak ng nagaganap na smuggling ng mga agricultural product sa bansa.
Inaalam din ng mga mambabatas kung ano ang mga hakbang na ginagawa ng Bureau of Customs para pigilan ang pagpasok sa bansa ng mga puslit na produkto. —FRJ, GMA News