Humigit-kumulang 200 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa sumiklab sa isang barangay sa Taguig City.
Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Biyernes, nangyari ang sunog sa may Tawi-Tawi St., Maharlika Village ng lungsod, bago mag-alas onse nitong Huwebes ng gabi.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na sumira sa mahigit 70 kabahayan, ayon sa pagtataya ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Humigit-kumulang 200 pamilya o aabot sa 630 na indibidwal ang apektado.
Parhirapan umano ang pag-apula sa apoy dahil ayon sa BFP, gawa sa light combustible materials ang mga bahay.
Patuloy ang imbestigasyon ang sanhi ng sunog. —LBG, GMA News