Inihayag ng Malacañang nitong Huwebes na naka-mandatory quarantine si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa niyang kasambahay.
"The President has since been tested for COVID-19, and while the results of the test came back negative, he is currently observing mandatory quarantine protocols," ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles.
Sinabi ni Nograles na Enero 30 nang ma-exposed sa COVID-19 positive case si Duterte. Lumabas naman na negatibo sa virus ang pangulo sa RT-PCR test noong Enero 31.
Dagdag ni Nograles, sumailalim ulit si Duterte sa isa pang RT-PCR test noong Pebrero 1, at negatibo rin ang resulta.
Tiniyak naman ni Nograles sa publiko na maayos ang kalagayan ng pangulo at nagagampanan nito ang tungkulin.
"The Chief Executive continues to work while in quarantine, and is in constant communication with the members of the Cabinet in order to ensure that urgent matters are addressed, and to monitor the implementation of his directives, particularly with regard to the government’s COVID-19 response," anang opisyal.
Sa ilalim ng health protocol na inilabas ng Department of Health, pitong araw na kailangang mag-quarantine ang taong fully vaccinated na-exposed sa COVID-19 case.
Fully vaccinated ang pangulo at mayroon na rin siyang booster shot laban sa COVID-19.--FRJ, GMA News