Hindi na obligadong magsuot ng face mask ang mga tao sa Denmark bilang panimulang hakbang na mamuhay nang normal kasama ang pinaniniwalaang mas mahinang variant ng COVID-19 na Omicron.
Ang Denmark ang unang bansa sa European Union na nag-alis ng lahat ng domestic COVID-19 restriction. Gayunman, may mga paghihigpit sa mga unvaccinated traveler na darating mula sa non-Schengen countries, ayon sa ulat ng Agence France Presse.
Una umanong tinangka ng Denmark na alisin na ang mga restriction noong nakaraang Setyembre at Nobyembre.
"For me, the best part is that we don't need to wear masks anymore," ayon kay Natalia Chechetkina, receptionist sa Copenhagen. "At least now we have a choice -- if we want to protect ourselves or we want to feel free."
"It's really nice to be able to see people's faces and it feels like we're living normally again," ayon naman kay Marie Touflet, 23-anyos na French student.
Nagluwag ang Denmark kahit pa mayroong silang naitatalang nasa 40,000-50,000 na bagong COVID-19 cases sa isang araw, o halos isang porsiyento ng 5.8 milyong populasyon.
Naniniwala ang mga Health official nila na bababa na ang naturang bilang ng hawahan.
"There are strong indications that the infection has peaked in the areas where it has been most pronounced," sabi ni Tyra Krause, public health and research institution SSI sa news agency Ritzau.
"So it's super good timing for the restrictions to be eased," dagdag niya.
'Mahigit 60 percent na umano ng populasyon ang nakatanggap na ng third dose ng COVID-19 vaccine, mas mataas ito sa EU average na hindi hihigit sa 45 percent.
Tinataya ng mga health official na 80 percent ng populasyon nila ang protektado na laban sa matinding epekto ng virus.
"With Omicron not being a severe disease for the vaccinated, we believe it is reasonable to lift restrictions," ayon sa epidemiologist na si Lone Simonsen ng University of Roskilde.
Sa pag-alis ng mga restriction, hinihikayat ang mga mamamayan nila na maging responsable.
"Without a COVID pass there will be a shift of responsibility," ani Simonsen.
Ang mga makararanas ng sintomas ng sakit, hinikayat na manatili lang sa bahay. Kung positibo sa virus, pinayuhan silang mag-isolate ng apat na araw.
Hindi naman kailangan mag-quarantine ang mga contact cases.
Kailangan naman na magsuot ng face masks at gumamit ng COVID pass kapag magtutungo sa ospital.
Nauna nang inihayag ng World Health Organization na masyado pang maaga para magdeklara ang mga bansa ng tagumpay laban sa COVID-19.
Ang kritiko sa Denmark na Gout Association, naniniwala na dapat ipagpatuloy pa ang paggamit ng face mask.
"We think it's important to continue using masks as long as the infection is spreading widely," sabi ni association director Mette Bryde Lind told Ritzau.
-- AFP/FRJ, GMA News