Nananatili sa "severe outbreak" ang sitwasyon ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), at umangat ang average daily attack rate (ADAR) sa 111.80, ayon sa OCTA Research nitong Huwebes.
Ang ADAR ang average number ng new cases "in a period per 100,000 people."
Ang ADAR sa NCR noong January 11 ay nasa 89.42%.
Sa isang tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na 56% o 18,140 ng 32,246 na mga bagong kaso ng COVID-19 na iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ay galing sa NCR.
Samantala, ang Baguio, Angeles at Santiago ay nasa "mature stage" ng outbreak, na mayroong ADARs na 39.48, 26.65 at 25.23, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Ang mga lungsod ng Naga (24.04), Dagupan (19.00), Lucena (18.95), Olongapo (16.49), Iloilo (15.31) at Lapu Lapu (15.23) ay nasa "accelerating stage." Habang ang Cagayan de Oro (5.52), Cebu (8.36) at Davao (4.75) ay nasa "early stage" ng outbreak.
Nasa Alert Level 3ang NCR, at iba pang nabanggit na mga lungsod hanggang January 15, 2022.
—FRJ, GMA News