Nasabat ng mga awtoridad sa Binondo, Maynila ang limang buhaý na king cobra na ibinebenta umano para gawing exotic food sa mga restawran. Naaresto naman ang suspek.
Tumambad sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Environmental Crime Division, at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang limang buhaý na king cobra na nakasilid sa mga sako sa isang tindahan sa Binondo.
Iniulat ni John Consulta sa "Unang Balita" nitong Miyerkules na na-monitor ng DENR ang muling pagdami ng illegal wildlife trade sa Metro Manila.
Arestado ang isang Chinese na babae na inabutan na nagbebenta ng mga king cobra.
Hindi pa nagbigay ng pahayag ang suspek at dinala na sa NBI detention center. —LBG, GMA News