Sinabi ni dating senador at presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na kumuha siya ng cocaine test at ipinadala ang resulta nito sa law enforcement agencies.
Ginawa ito ni Marcos matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong presidential aspirant na anak ng mayaman ang lulong sa ilegal na droga na cocaine.
"I really don’t feel that I am the one being alluded to. In spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs," sabi ni Marcos.
"This is why I took a cocaine test yesterday and the result was submitted this morning to the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the office of the Chief of the PNP (Philippine National Police) and the National Bureau of Investigation," patuloy niya.
Pagtiyak pa ng dating senador, " Let me reiterate my assurance to my fellowmen, especially to the supporters of BBM-Sara Uniteam, that I am, and will remain, a vigilant anti-illegal drugs campaigner."
Ang tinutukoy ni Marcos sa uniteam ay si Davao City Mayor Sara Duterte, na tatakbong bise presidente ng bansa.
Sa hiwalay na text message, sinabi ni Vic Rodriguez, chief-of-staff ni Marcos, na negatibo ang resulta ng naturang cocaine test sa dating senador.
Hinikayat ni Marcos ang iba pang kapwa niya kakandidato na sumailalim sa drug test sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na hindi ito kailangang gawin ng kandidato.
"I'm calling again all elective aspirants to take the drug test to ensure our people, particularly the young generation, that no elected leader is into illegal substances," anang dating senador.
Nitong Lunes, personal na nagtungo sa tanggapan ng PDEA sina presidential aspirant Senator Panfilo Lacson at running mate niyang si Senate President Vicente Sotto III, para sumailalim sa voluntary drug test.
"What we underwent was not the ordinary testing. PDEA uses a multidrug testing kit. It can check all types of illegal drugs encompassing holistic drug test," sabi ni Sotto.
Kapwa naman negatibo sa ilegal na droga ang dalawa.—FRJ, GMA News