Namonitor ng OCTA Research Group ang “significant” na pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang malalaking lungsod sa ilang lalawigan.
"Significant increases in new cases were observed in Cagayan de Oro, Davao City and Iloilo City," anang research group nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat, mayroong 58 bagong kaso ng COVID-19 ang Iloilo, na 99% na mas mataas kumpara noong nakaraang linggo.
Nakapagtala naman ng 52% na pagtaas ang Cagayan de Oro at 36% sa Davao.
Ang Zamboanga City na bagaman may highest number ng new infections sa nakalipas na mga linggo na 158 cases, naging 4% ang pagtaas ngayon.
Sa Metro Manila, mula Mayo 11 hanggang 17, ang daily attack rate (ADAR) ay nasa 9.91 per 100,000 katao, habang ang Puerto Princesa City ay mayroong weekly positivity rate na 87% hanggang nitong Mayo 16.
“Most LGUs (local government units) within the NCR bubble (National Capital Region, Bulacan, Rizal, Laguna, and Cavite) are on a downward trend in new cases,” ayon sa OCTA Research.
Ang kasalukuyang seven-day average ng mga bagong kaso sa Pilipinas ay nasa 5,834, na 11% na mas mababa kumpara sa nakalipas na mga linggo.
Iniulat ng Department of Health nitong Martes na 1,154,388 na ang kabuuang COVID-19 cases sa Pilipinas, 1,082,725 ang gumaling at 19,372 naman ang nasawi. — FRJ, GMA News