Isang araw pa lang mula nang ilipat sa regular na kuwarto, ibinalik muli sa dating Pangulong Joseph Estrada sa intensive care unit (ICU) dahil sa lung infection, ayon sa anak niyang si dating senador Jinggoy Estrada.

“We wish to announce that my father had a slight setback last night as his doctors found a superimposed bacterial lung infection,” saad ni Jinggoy sa Facebook post nitong Biyernes.

Gayunman, "stable" umano ang kondisyon ng kaniyang ama at kailangan lang ibalik sa regular ICU “for monitoring and support of his blood pressure which fluctuated due to the said infection.”

“But overall, he is stable with high flow oxygen support,” patuloy ni Jinggoy.

 

#9 MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES. JOSEPH EJERCITO ESTRADA: We wish to announce that my father had a slight set back...

Posted by JE Estrada on Thursday, April 15, 2021

 

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ibalita ni Jinggoy na negatibo na sa COVID-19 ang 83-anyos na ama at ililipat na sa regular na kuwarto para doon ipagpatuloy ang pagpapagaling.

Patuloy na humihingi ng dasal si Jinggoy para sa tuluyang paggaling ng ama at ng iba pang maysakit.— FRJ, GMA News