Patay ang limang miyembro ng isang pamilya matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Corinthian Gardens, Barangay Ugong Norte, Quezon City nitong Sabado.
Kinilala ang mga biktima na mga miyembro ng pamilya Yu na sina Gilbert, Abegail, Charito, Ryan at Rita, ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB.
5 ang patay sa sunog sa isang subdivision sa Quezon City; ilang bahay naman sa Campo Islam sa Zamboanga City, tinupok din ng apoy. #SuperBalitaSaTanghali https://t.co/Jl7zdrja0g
— DZBB Super Radyo (@dzbb) March 20, 2021
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng mga Yu bandang 1:57 ng madaling araw.
Tuluyan itong naapula ganap na 5:25 ng umaga.
Kinilala ang mga sugatan na sina Richard at Stephanie Yu.
Sa ulat naman ni Luisito Santos sa Dobol B TV, sinabi ng hepe ng Bureau of Fire Protection-QC chief of operations Fire Chief Inspector Joseph Del Mundo na nahirapan ang mga bumbero na pumasok sa dahil meron itong mga grill at doble ang kapal ng mga bintana.
FIRE ALERT: Isang bahay sa Corinthian Garden, sa Brgy. Ugong Norte sa Quezon City, nasusunog; Sunog, itinaas na sa ikalawang alarma. | via @Rodveg72 https://t.co/LYN9Ov8wuR
— DZBB Super Radyo (@dzbb) March 19, 2021
Madilim din ang naturang bahay at walang emergency light.
Walang ibang bahay ang nadamay sa sunog.
Isang bahay sa corinthian garden Brgy ugong Norte sa Quezon city nasusunog alarma ng sunog nakataas sa second alarm ?@dzbb? pic.twitter.com/oflX3Pmdhi
— Rodil Vega (@Rodveg72) March 19, 2021
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng apoy.
Sa hiwalay na ulat ng GMA News TV Live, sinabi ng BFP na nasunog ang apat sa mga biktima habang namatay ang isa dahil sa suffocation.
Ayon BFP-QC, tinatayang aabot sa pagitan ng P50 at P60 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.
- MDM, GMA News