Nabisto ng mga awtoridad ang aabot sa mahigit P1 milyong halaga ng unregistered COVID-19 test kits na ibenebenta online sa Navotas City.
Nakumpiska ang test kits mula sa isang Chinese trader at isang Pinoy na umano'y kasabwat nito, ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes.
Nakuha mula sa mga suspek ang 200 kahon ng testing kits na nagkakahalaga ng mahigit P1M, dagdag ng ulat.
Nagpaalala naman ng mga awtoridad laban sa paggamit ng hindi rehistradong test kits na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.
Nananatiling tikom ang bibig ng mga suspek at wala pang pahayag ang mga ito. —LBG, GMA News