Dahil pa rin sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic, pansamantalang isasara simula sa Pebrero 1 ang Makati Shangri-La.
Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng Shangri-La Group na kailangan nilang aayusin ang kanilang operasyon at bilang ng mga kawani "to adapt to the uncertain business environment" bunga ng pandemic.
"Throughout the unprecedented COVID-19 pandemic, our priority has been to preserve as many jobs as possible for our teams," sabi ng tagapagsalita ng kompanya.
Sa nakalipas na 10 buwan, sinikap ng Shangri-La Group na hanapan ng paraan ang pagkalugi sa operasyon tulad ng pagbabawas ng gastos "including salary reductions at management level, implementing shorter work weeks, hiring freeze and cuts in non-essential spending."
Ginawa umano nila ito habang nagkakaloob ng suporta sa kanilang rank and file employees upang malampasan ang krisis.
Gayunman, "the prolonged recovery timeline has resulted in increasing financial pressure on the company here in the Philippines," sabi pa sa pahayag.
"We unfortunately must now make the extremely difficult decision to reorganise our workforce and operations in the Philippines as we continue to navigate an uncertain business environment," patuloy ng kompanya.
Kasama sa gagawing reorganization ang pagbabawas ng kanilang mga kasamahan sa trabaho.
"Every effort is being made to support all our affected colleagues through this transition, including providing a fair compensation package that is higher than local statutory guidelines," saad sa pahayag.
Ipagpapatuloy din ang healthcare coverage at maging "grocery support" hanggang sa katapusan ng 2021 para sa mga maaapektuhang empleyado. Magbibigay din sila ng "career transition assistance."
"We continue to vigilantly monitor local and global developments and look forward to reopening Makati Shangri-La, Manila at a later date when business conditions have improved," ayon pa sa pahayag.
Nagbukas ang Makati Shangri-noong April 1993, isang taon matapos naman magsimula sa bansa ang Shangri-La Group at itayo ang EDSA Shangri-La.— FRJ, GMA News