Dalawang senior citizens ang nasawi sa sunog na naganap sa Tondo, Maynila nitong Huwebes ng umaga.
Sa ulat ni Darlene Cay sa GMA News "Unang Balita," sinabing anim na pamilya sa Barangay 47, ang nawalan ng tirahan matapos matupok ang tatlong bahay.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasawi na sina Flor Hernandez at Gongocia Ramos, na nakulong sa nasunog nilang bahay.
Sa paunang imbestigasyon, lumilitaw na sa altar nagsimula ang sunog. Patuloy na inaalam pa ang ibang detalye sa nangyaring insidente.—FRJ, GMA News