Madadaanan na ng mga motorista sa Disyembre ang Metro Manila Skyway Stage 3 sa "soft-opening" nito at toll-free sa loob ng isang buwan, ayon sa kompanyang namamahala sa proyekto na San Miguel Corp. (SMC).
“We’re very proud and excited about this project, because it will truly make a big difference to so many people’s lives, especially with our economy slowly opening up and with more vehicles coming back to our roads,” saad ni SMC president and COO Ramon Ang sa isang pahayag nitong Martes.
Nitong nakaraang linggo inanunsyo ng SMC na natapos na ang 18-kilometer elevated expressway, mas maaga kaysa sa itinakdang target schedule na sa katapusan pa sana ng Oktubre.
“While we’re still doing a few finishing works, we want the public to be able to use Skyway 3 already and benefit from the convenience and ease of travel that it will bring. We have all waited long for this project, so this is the best way we can welcome everyone, by making Skyway 3 free for one month,” dagdag ni Ang.
Ayon sa SMC, bahagya ring binuksan para sa motorista at libre ding nagagamit ang bahagi ng Buendia to Plaza Dilao ng Skyway 3.
Inabot ng may anim na taon bago nakompleto ang proyekto na mag-uugnay ng South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).
Kabilang umano sa naging problema sa proyekto ay ang usapin ng "right-of-way" at pagpapalit sa desisyon nito.
Dahil sa Skyway 3, mababawasan na umano ang mga dadaan sa EDSA dahil mayroon itong walong access points sa Makati (Buendia, Plaza Dilao), Manila (Nagtahan) San Juan (Aurora Blvd), at Quezon City (Quezon Ave., Sgt. Rivera, Balintawak at NLEX).--FRJ, GMA News