Arestado ang 30 Chinese nationals na naabutan umanong nagpa-party sa isang KTV bar at restaurant sa Makati City nitong Biyernes ng gabi, ayon sa ulat ni GMA News reporter Jonathan Andal.
Hinuli sila dahil sa paglabag umano sa social distancing.
Pero matapos kumpiskahin ang mga ID at tiketan para sa multa ay pinauwi rin sila.
Sa Quezon City naman, 93 ang inaresto sa isang bar dahil sa paglabag sa quarantine protocols.
Base sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), bawal pang magbukas ang mga bar sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).
Kasalukuyan pa ring ipinatutupad ang GCQ sa Metro Manila bilang pagtugon sa banta ng COVID-19. —KG, GMA News