Nagtaasan na umano ang presyo ng face shields sa Divisoria, Manila dahil sa mataas na demand nito matapos ianunsyo ng Department of Transportation (DOTr) kamakailan ang mandatory na pagsuot nito sa mga pampublikong sasakayan.
Sa ulat ng "Unang Balita" sinabi ng isang tindera sa Divisoria na nagtaas ang kanyang supplier ng mahigit P10 bawat isang face shield.
Aabot na sa P35 ang retail price ng face shield nitong Huwebes, at inaasan pang tataas ito dahil sa patuloy na paglobo ng demand.
Ayon na naman sa ilang mga maimili, mahihirapan silang bumili dahil mahal ito, at ibibili na lamang nila umano ng bigas ang dapat na ibili nila ng face shield.
Sa ibang lugar sa Maynila, umaabot na mula P40 hanggang P50 ang kada isa ng face shield.
Mungkahi ng isa, dapat ipamigay na libre ang face shield kasi hindi sila makabibili nito.
Matatandaang ipinag-utos ng DOTr kamakailan ang mandatory wearing of face shield sa mga pampublikong sasakyan simula sa August 15, 2020. —LBG, GMA News