Hindi nag-atubiling mag-volunteer ang isang babaeng pulis sa Kabayan, Benguet na alagaan muna ang isang sanggol bilang pagtulong sa inang kailangang mamalengke.

Ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Miyerkoles, nagpa-patrol si Police Corporal Nimfa Cemis sa isang lugar kung saan nagpunta ang Tiongsan Rolling Store Caravan sa Kabayan.

Nakita ni Cemis ang isang inang karga ang kanyang sanggol.

Nang tanungin ni Cemis kung bakit dala niya ang sanggol kahit na may banta pa ng COVID-19, sinabi ng ina na walang magbabantay sa kanyang anak.

Dito na sinabi ni Cemis na aalagaan muna niya ang sanggol hanggang matapos mamalengke ang ina.

 

When the Tiongsan Rolling store came into our Municipality, residents took the opportunity to purchase their neccesities...

Posted by Kabayanmps Pnp on Tuesday, June 9, 2020

 

Kasalukuyang nasa modified general community quarantine (MGCQ) ang Benguet bilang pag-iingat sa COVID-19.

—KG, GMA News