Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga power distributor na magbigay ng panibagong billing at suspindihin ang pangongolekta ng universal charge dahil sa ipinatupad ng community quarantine ng pamahalaan.
Nakasaad sa direktiba ng ERC nitong Biyernes sa mga distribution utilities (DUs) na, “to conduct actual meter readings and thereafter issue a new billing reflecting the actual consumption and the corresponding amount due, not later than 8 June 2020, except when actual reading is not possible due to the implementation of community quarantine.”
Ang direktiba ay inilabas ng ERC kasunod ng mga reklamo sa mataas na singil sa kuryente ng Manila Electric Co.’s (Meralco) sa kanilang mga kostumer para sa Mayo.
Bukod sa ERC, pinagpapaliwanag din ng Department of Energy (DOE) ang Meralco kung ano ang naging basehan nila sa konsumo ng kuryente ng mga tao sa panahong umiiral ang lockdown.
Nauna nang ipinaliwanag ng Meralco na sadyang mas mataas ang singil na lumabas sa buwan ng Mayo dahil sa tinawag nilang "full impact" ng enhanced community quarantine kung saan nasa bahay lang ang mga tao, bukod pa sa mainit na panahon.
ALAMIN: Meralco, ipinaliwanag ang basehan ng 'mataas' na singil sa kuryente ngayong Mayo
Samantala, sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na susundin nila ang direktiba ng ERC.
"We will comply with the ERC order and will operationalize it bearing in mind and ensuring that our customers will understand their bill," ayon sa tagapagsalita.
"We will support the implementation using various information materials and platforms to make it easy to understand. Rest assured that we only have our customers' satisfaction and interest in mind as we implement this order," dagdag niya.
Samantala, suspindido naman “until further notice” ang paniningil ng Universal Charge-Environmental Charge (UC-EC) na katumbas ng ng P0.0025 per kilowatt-hour (kWh).
Kasabay nito, inatasan din ng ERC ang mga power distributor na payagan ang kanilang mga konsumer na utay-utayin ang pagbabayad.
"Distribution utilities (DUs) are ordered to allow their electricity customers with monthly consumption of 200 kWh and below in February 2020, a staggered payment of up to six equal monthly installments for their electricity bills falling due within the enhanced community quarantine (ECQ) and modified enhanced community quarantine (MECQ) periods, the first monthly amortization to be made not earlier than 15 June 2020, without penalties, interests and other fees," ayon sa ERC.
Patuloy pa ng ERC, "For electricity customers with monthly consumption of above 200 kWh in February 2020, DUs shall allow a staggered payment of up to four equal monthly installments for their electricity bills falling due within the ECQ and MECQ periods, the first monthly amortization to be made not earlier than June 15, 2020, without penalties, interest and other fees.”--FRJ, GMA News