Nagpositibo sa COVID-19 ang 12 kawani ng Senado nang magsagawa ng rapid test ang kapulungan ilang oras bago magbukas ang sesyon ngayong Lunes.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, dalawa sa mga kawani ay tauhan ng mga senador, isa ang waiter, isa ang "page' ng session hall, at ang natitira ay mula sa Office of the Sergeant-at-Arms.
"Sent them already to hospitals with swab tests then quarantine," ayon kay Sotto.
Nakatakdang magsimula ang sesyon ngayong hapon ng 3:00 p.m. — FRJ, GMA News