Nagwagi ng bronze medal ang Team Philippines sa Little League Asia Pacific baseball tournament na idinaos sa South Korea noong Sabado.
Lumahok sa palaro ang mga kabataan mula sa iba't ibang bansa sa Asia Pacific.
Tinalo ng Team Philippines ang mga bansang India, China at Hong Kong. Natalo naman ang team ng Bansang Janpan.
Nagkaroon ang Team Philippines ng tatlong panalo at isang talo. Ito ang dahilan kaya nakasungkit ng team ang bronze medal.
Nagsimula ang koponan noong ika-1 ng Hulyo at nagtapos noong Sabado.
Binubuo ang Team Philippines ng piling-pili na elementary students mula sa northern Mindanao.
Lima sa kanila ay nagmula sa bayan ng Jimenez sa Misamis Occidental. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News