Patay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin nang malapitan ng dalawang salarin sa Binangonan, Rizal.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Huwebes, makikita sa video footage na nasa labas ng gate at palakad-lakad ang biktima na nakahubad sa Barangay Batingan.

Ilang saglit lang, isang lalaki ang sumulpot sa gilid at malapitan siyang binaril na dahilan para matumba ang biktima.

Isang salarin pa ang dumating at muling binaril ang biktima kahit nakatumba na.

Tumakas ang mga salarin sakay ng dalawang motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring krimen.-- FRJ, GMA Integrated News