Patay na nang matagpuan sa Bulacan ang isang lalaki na ilang araw nang nawawala matapos na dukutin sa Quezon City.

Sa ulat ng Saksi nitong Biyernes, inihayag ng Quezon City Police District na nakita ang bangkay ng biktima na nakabaon sa isang bakanteng lote sa San Jose del Monte, Bulacan.

Nakita ang bangkay ng biktima tatlong araw matapos siyang maiulat na nawawala makaraang dukutin sa Quezon City.

May nakita umanong bakas ng sakal sa biktima at pagkakaposas sa kaniyang mga kamay.

Nakita naman ang kaniyang sasakyan sa Caloocan City.

Dalawang suspek ang unang nadakip, at naaresto sa hot pursuit operation ang sinasabing utak sa krimen.

Kinilala ang mga suspek na sina Noli Banegas Cape, Mervin Juane Armas, at Victor Vidal DueƱas na umano'y mastermind sa krimen, ayon sa QCPD. --FRJ/VBL, GMA Integrated News