Australia-bound si David Licauco para manood ng Eras Tour ni country-pop superstar Taylor Swift next week.
Sa panayam ni David sa GMA Integrated News, sinabi niyang excited daw siya dahil matagal na niyang pina-plano ito.
Dapat sana ay sa Marso siya manonood ng concert sa Singapore pero naubusan daw siya ng ticket kaya’t nang may makuha siya sa Sydney, agad daw niyang binili ito.
Unang napanood ni David ang American Sweetheart nang mag-concert ito sa Pilipinas halos isang dekada na ang nakakalipas.
Mula noon ay naging fan na raw siya. Staple daw sa workout playlist niya raw ang mga kanta ni Taylor.
“I’ll be watching Taylor Swift's concert! You may not know, I’m a big, huge Taylor Swift fan. Swiftie ako eh. Nung bata pa lang ako, talagang pinapanood ko na siya. So once, nanood ako ng concert niya sa Araneta [Coliseum]. 2014 yata. So now, nag-iba na mga songs niya. Until now fan pa rin ako,” kwento ni David. “Initially, dapat sa Singapore. Pero naubusan ng tickets. so when we found out na meron nga sa Australia, talagang binili namin.”
Nagpaalam daw siya sa production ng “Pulang Araw” para makapag-R and R sa Land Down Under nang isang linggo. Bibisitahin din daw niya ang kanyang kapatid habang naroon.
“I actually visit Australia frequently because of my sister. She lives there. She has her family na sa Australia. So yeah probably once a year I visit Australia,” ayon kay David.
Speaking of “Pulang Araw,” inamin din ni David na mas nagiging madali ang kanyang "very challenging" role sa serye dahil na rin sa kanyang ka-love team na si Barbie Forteza.
Malaking bagay daw na si Barbie ang una niyang nakita sa kanyang pagdating sa set.
“Siya yung sumalubong sa akin. Nung unang pagpasok ko sa set, nakita ko agad siya. So it's been a while since we, since I saw her and medyo of course kahit papaano na-miss ko rin naman [siya]. Like parating sinasabi, 'Pag katrabaho si Barbie, you know yung assurance na magiging OK lahat.'”
Huling nagkasama ang BarDa loveteam sa Kapuso limited series na “Maging Sino Ka Man” last year.
Bukod sa historical series na “Pulang Araw,” maaaring magkaroon na ng playdate this year ang pelikulang nai-shoot nila noong 2023. — BM, GMA Integrated News