Jamil Santos

Kinasahan at hindi nagpahuli ang veteram actress na si Coney Reyes sa patok na GENTO dance challenge.

Sa Instagram ng GMA Network, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Biyernes, makikitang game na game na itinuro ni Kyline Alcantara ang steps ng GENTO ng SB19 kay Coney sa behind the scenes footage ng Kapuso station ID. Agad naman itong nasundan ni Coney.

Kinagiliwan ng netizens ang bonding ng “Shining Inheritance” cast.

Ayon sa kanila, talagang good dancer na si Coney mula pa noong pagkabata.

Makakasama rin nila sa upcoming hit Korean drama adaptation sina Kate Valdez, Paul Salas at Michael Sager.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News