Nahabag ang mga tauhan ng highway patrol sa Florida, USA nang makita nila ang isang aso na iniwang nakatali sa bakod sa kabila ng malakas na bagyo na tatama sa kanilang lugar na si "Milton."
Sa video ng GMA Integrated Newsfeed, makikita ang aso na nakalubog na ang mga paa sa tubig-baha.
Nilapitan ng officer ang aso na bakas ang takot at pagkabalisa dahil sa kaniyang sitwasyon.
Tinahulan at umangil ang aso nang lumapit sa kaniya ang officer.
"It's ok," sabi ng officer. "I don't blame you."
Pagkaraan lang ng ilang minuto, nasagip na ang aso at inilagay sa patrol car.
Nagbago na ang rin ang reaksyon ng aso na tila naging maamo na.
Inilagay siya sa pangangalaga ng mga awtoridad.
Hinagupit ng malakas na ulan at hangin ang Florida dahil sa Super Bagyo na si Milton, na umabot ang lakas sa Category 5.
Bukod sa banta ng lakas ng hangin, ulan at storm surge o daluyong, nagtawag din ng mga buhawi si Milton na nagdagdag ng peligro sa mga tao.
Mahiig isang milyon residente ang inabisuhan na lumikas bago tumama ang bagyo nitong Huwebes.-- FRJ, GMA Integrated News