Kinagigiliwan ng mga residente sa Turtle Islands sa Tawi-Tawi ang ilang sea otters na nanghihingi ng pagkaing isda.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Lunes, ibinahagi ni Rodney Gumahad, miyembro ng Philippine Coast Guard, ang video na makikitang lumapit sa pantalan ang ilang sea otters.
Tinatawag ng mga residente sa lugar na “anjing laut” o “sea dogs" ang mga ito.
Nakakamangha umano ang ugali ng naturang mga sea otters na sabik na maabutan ng pagkain na isda.
Umaalis din sila kapag nakakain na o nabigyan na ng kanilang pagkain.
Taong 2020 nang unang makita ang mga sea otter sa isla na iba raw sa species ng mga sea otters na makikita sa Palawan.
Hinihinalang na ang mga sea otters sa Turtle Islands ay napadpad mula sa Malaysia.--FRJ, GMA Integrated News