Binasbasan ang ilang furbaby na aso sa Shichi-Go-San, o tradisyon ng pagbabasbas sa mga bata nitong Nobyembre sa Zama, Japan.
Sa ulat ni GMA Integrated News reporter na si Bam Alegre para sa Unang Balita nitong Miyerkoles, mapapanood ang ilang proud moms habang kinukunan ng larawan ang kanilang “furmily” members.
Sa tradisyong Shichi-Go-San, binabasbasan ang mga bata pagtapak nila ng tatlo, lima at pitong taong gulang para sa masaganang kinabukasan.
Ngunit sa pagdiriwang ngayong Nobyembre, suot ng ilang Shiba Inu at Poodle ang kanilang OOTD o “outfit of the dogs” na kimono, at game rin na umakyat sa shrine para sa healthy at happy “pawture.”
Base sa datos, pitong taon nang mababa ang birth rate o bilang ng mga isinisilang na sanggol sa Japan.
Kaya naman para sa ilang fur parents, “furpect” na ipagdiwang na lamang ang buhay ng kanilang furbabies. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News