Sa halip na tumigil bago sumayad sa ibaba, nagdire-diretso sa pagbagsak ang disk ng isang tower drop ride sa Mohali, India sa gitna ng kasiyahan sa isang trade fair doon.
Sa video ng GMA News Feed, sinabing maayos ang lahat sa rotating tower ride nang umaakyat pero nagkaaberya nang pababa.
Sa taas ng 50 feet, diretso sa pagbagsak ang rotating tower ride kaya tumalbog ang mga sakay nito at tumilapon ang ilan debris.
Hindi bababa sa 16 katao ang nagtamo ng injuries, kabilang ang ilang bata. Lima sa kanila ang kinailangang isugod sa ospital dahil sa tinamong pinsala sa ulo at leeg.
Ang tauhan ng carnival, tumakas matapos ang insidente.
"The eyewitness told us that there was a technical snag in the wing and it has fall," ayon kay Harsimhan Singh Bal, Deputy Superintendent of Police via Indian Express
Inilagay ang ride sa Mohali Trade fair pero hiwalay ang operasyon nito sa mismong pamunuan ng trade fair.
Isinara na muna ang fair habang iniimbestigahan ang insidente.--Jamil Santos/FRJ, GMA News