Samu't saring kayamanan tulad ng mga gintong barya, kanyon, at mga antigong tasa at plato ang nadiskubre mula sa dalawang lumubog na barko ilang siglo na ang nakararaan sa Colombia. Ang halaga ng mga kayamanan, aabot umano sa bilyon ang halaga.

Sa ulat ni Nico Waje sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, makikita sa isang video ang mga naturang kayamanan habang nagsasagawa ng underwater monitoring ang naval official ng Colombia sa San José galleon na lumubog noong pang 1708.

Pinaniniwalaan ng ilang historian na bilyon ang halaga sa kasalukuyan ng mga kayamanan na nasa San José galleon.

Balak ng mga awtoridad na iahon ang mga barko at i-display ang mga treasure sa museum.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News