Pumanaw na sa edad na walo ang idineklarang "hero rat" sa Cambodia na si "Magawa."

Sa ulat ng Reuters, sinabing sinanay si Magawa na maka-detect ang mga landmine at maging ang tuberculosis.

Sa panahon na aktibo siya sa kaniyang "serbisyo," nagawa ni Magawa na makaamoy ng 71 landmines at 38 na unexploded ordnance.

Noong Setyembre 2020, sa unang pagkakataon ay iginawad sa isang organisasyon sa United Kingdom ang pagkilala bilang "hero" sa isang daga--si Magawa.

READ: HeroRat: Daga na tagahanap ng nakatagong bomba, tumanggap ng medalya ng kabayanihan

Isinilang si Magawa sa Tanzania, at dinala sa Cambodia noong 2016.

Isa umano ang Cambodia sa mga bansa na mayroong mataas na insidente ng mine amputees, o mga nasasabugan ng bomba.

Ayon sa Belgian charity Apopo, na nagsanay kay Magawa, payapang pumanaw ang daga noong weekend.

Napansin na lang umano na naging matamlay ang daga at walang ganang kumain, hanggang sa binawian na ng buhay.

Noong June 2021 nang iretiro sa serbisyo si Magawa.

--Reuters/FRJ, GMA News