Dalawangpung katao na galing sa mountain top restaurant at isang empleyado magna-night duty ang na-stranded sa dalawang tram car sa New Mexico at doon na inabutan ng bagong-taon.

Sa video na mapapanood sa GMA News Feed, sinabing inabot ng 14 oras na stranded ang 21 katao na nasa nakalambitin sa kable na dalawang tram cars sa itaas ng bundok sa Albuquerque sa Mexico.

Ang isang tram car, 20 ang sakay na nanggaling sa isang mountain top restaurant. Pababa na sila sa Sandia Peak nang na ma-stranded sila sa taas na 85 feet.

Mag-isa naman ang sakay sa ikalawang tran car na empleyadong paakyat naman noon ng bundok para magbigay sana ng overnight security.

Lumitaw na maayos naman noong una ang andar ng tram cars hanggang sa magyelo at magkaroon ng moisture ang mga kable at magkaaberya.

Kaya nananatili sila sa loob ng tram cars sa loob ng 14 na oras at doon na inabutan ng bagong taon.

Inabot din ng ilang oras ang ginawang paglalatag ng iba't ibang awtoridad kung papaano sasagipin ang mga stranded sa sakay ng tram cars.

Nakaapekto rin sa rescue mission ang masamang lagay ng panahon.

Kaya mayroong rescue team ang umakyat ng tore upang mahatiran ng pagkain, tubig at kumot ang mga stranded.

Matapos ang ilang oras na pagpaplano, magdamag na kumilos ang mga rescuer para ligtas na maibaba ang lahat ng sakay ng dalawang tram cars. Panoorin ang video.

-- FRJ, GMA News