Masusing sinusubaybayan ng mga beterinaryo ang kalusugan ng isang pambihirang albino jaguarundi cub na nasagip sa Aburra Valley sa Colombia.
Sa ulat ng Reuters, sinabing ito ang kauna-unahang albino jaguarundi cub na naiulat sa Colombia, at isa itong babae.
Ang jaguarundi ay isang uri ng puma na matatagpuan sa North at South America.
Kumpara sa karaniwang pusa na alaga sa bahay, mas malaki nang bahagya ang mga jaguarundi.
Ayon kay Carlos Madrid, beterinaryo, mahihirapan ang nasagip na albino jaguarundi na mamuhay sa wild dahil sa kaniyang kulay.
"At this point, this animal cannot be released to the wild due to its albino condition. It is predisposed to certain health disorders, certain disadvantages when performing in the wild, such as the impossibility of camouflaging itself, making it easy for it to be seen by its prey. Therefore, the only alternative for it is to end his life in a park such as this," paliwanag niya.
Kapag natiyak nang maayos ang kalagayan ng hayop, ililipat siya sa conservation park sa Medellin.--Reuters/FRJ, GMA News