Idinaan ni Ice Seguerra sa post sa social media ang pagtawag niya ng pansin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos na mawalan umano ng gamit ang kaniyang kabiyak na si Liza Diño sa naturang paliparan.
Sa naturang post ni Ice sa Facebook nitong Miyerkules, sinabi ng singer na kadarating lang ni Liza mula sa Amerika nang mawala ang mahalagang gamit nito sa bagahe.
"Hello NAIA 1! Kakarating lang ng asawa ko from the US via PAL flight. May nawawala pong dalawang items sa loob ng box at maleta niya. Pwede kaya makausap yung security niyo diyan? Para ma-check 'yung mga lost items," saad ni Ice sa post.
Tumugon naman ang Philippine Airlines sa naturang post ni Ice sa comment section.
"Dear Mr. Seguerra. We understand how important your belongings are, and we appreciate you bringing this to our attention. Rest assured, we take such matters seriously, and our team is here to assist in looking into this," ayon sa PAL.
"We’ve reached out to you via Instagram to gather more details and support you in the investigation. We’ll do our best to help!," dagdag nito.
Sinusubukan pa ng GMA News Online na makaugnayan si Ice, pati na ang PAL at NAIA. —FRJ, GMA Integrated News