Isang cute na pagong na 12 pulgada ang laki ang naging dahilan para ilang minutong maantala ang biyahe ng mga eroplano sa Narita International Airport sa Japan.
Sa ulat ng Reuters, sinabing limang flights ang naantala sa loob ng 15 minuto dahil sa pagong na nakitang gumagala sa runway ng paliparan.
Isang piloto umano ang nakakita sa bagong sa runway at kaagad niya itong inireport.
Ligtas naman na nakuha ng tauhan ng paliparan ang pagong gamit ang net.
Sa opisina, tinambang ang pagong na may bigat na mahigit dalawang kilo.--FRJ, GMA News