Aso na may pinakamahabang tainga, at lalaking kalahati ang katawan pero pinakamabilis tumakbo gamit ang kamay. Ilan lang sila sa mga nakapasok sa listahan ng Guinness World Record 2022.
Ang American na si Zion Clark, na isinilang na walang mga binti ang kinilalang pinakamabilis na tumakbo gamit ang mga kamay na 20 meters sa loob ng 4.78 seconds.
Si Pratik Mohite ang idineklarang world's shortest bodybuilder sa taas na 3 feet and four inches.
Ang Olovier Rioux naman ang pinakamatangkad na teenager sa mundo na ang taas...7 feet and 4 inches.
Hawak naman ni Laetitia Ky mula sa Ivory Coast ang record sa pinakamaraming skips sa loob ng 30 segundo gamit ang sarili niyang buhok na mahaba.
May hayop din na pasok sa listahan tulad ng asong si Lou, na may pinakamahabang tainga sa mundo.
At ang dog and cat duo na sina Lollipop at Sashimi, na nasungkit ang record sa fastest 5-meter run sakay ng scooter.
--FRJ, GMA News