May kakaibang paraan ng "paggupit" ang isang barbero sa Pakistan. Sa halip kasi na gunting, ang gamit niya sa pagputol ng buhok: blowtorches, sangkalan, pangtaga ng karne at maging basag na bote.
Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ni Ali Abbas na 2016 nang magsimula siyang gamitin ang kakaibang estilo ng panggugupit sa Lahore.
"This idea was not a joke. One day I was thinking of doing something different. It was my intention to do things in a different way," saad niya.
Ang karaniwang trim ng buhok, ginagamitan ni Abbas ng blowtorch o apoy.
Kung kailangang bawasan ang layer ng buhok, gumagamit na si Abbas ng sangkalan at pangtaga, at kung minsan ay basag na bote.
"I thought I should do something different to attract more clients," aniya. "In the beginning, I tried it on artificial hair, and then — after practising it for some time — I used it on a client, and he liked it a lot."
Matapos na makuha ang tiwala ng mga kliyente, dumami na umano ang nagpapagupit kay Abbas.
Naiimbitahan na rin siya na mag-guest television shows at maging sa fashion shoots.
"There has been a very good response from my clients, who were quite scared in the beginning," sabi pa ni Abbas.
Ang singil ni Abbas, 2,000 rupees ($13) para sa unorthodox treatment — o 1,000 rupees para traditional trim na gamit na gunting.
May dagdag na 500 rupees na bayad naman sa extra styling para sa mga babaeng kliyente.
"I am feeling quite relaxed and comfortable," pahayag ni Ali Saqlain, na ginamitan ng blowtorch ni Abbas.
"I had my hair cut done at this salon three times," ayon naman sa isa pang kostumer na si Arooj Bhatti. "I prefer it to be done with a cleaver as my hair grows fast after." --AFP/FRJ, GMA News