Sa Metro Manila, Bicol at maging sa Mindanao, mayroon umanong mga hinihinalang unidentified flying object o UFO na namataan. Totoo nga kaya ito?
Sa programang "Brigada," sinabing nagulat ang ilang residente sa Barangay Sikap sa Marawi City nang biglang magliwanag ang parte ng kalangitan sa kanilang lugar.
Dahil unang pagkakataon daw na makakita ng naturang uri ng liwanag ang ilang residente, hinihinala nila na baka may nag-landing na UFO sa kanilang lugar.
Sa Camarines Sur naman, isang lalaki na nagpapastol ng kaniyang mga alagang kambing ang naisipang i-video ang maliwanag na kalangitan.
At nang panoorin niya ang video, napansin niya ang biglang pagsulpot ng maliit na bilog na puting bagay na lumilipad at bigla ring nawala.
Sa Pasig city naman, may namataan ang ilang residente ng bilog na pulang ilaw na lumilipad sa kalangitan sa kalagitnaan ng dilim.
Mga UFO nga kaya ang nakita ng mga tao sa magkakaibang lugar at sa magkakaibang panahon, o baka naman karaniwan lang itong mga bagay na kayang ipaliwanag ng mga dalubhasa? Alamin ang kasagutan sa ulat ni Mariz Umali sa programang "Brigada." Panoorin.
--FRJ, GMA News