Isang hilaw na isda ang kinagat at kinain ng isang mambabatas sa Sri Lanka habang nasa pulong balitaan para patunayan sa mga tao na ligtas itong kainin.
Sa ulat ng Reuters, sinabing ginawa ng mambabatas na si Dilip Wedaarachchi, ang pagkain ng hilaw na isda sa presscon sa Colombo para hikayatin ang mga tao na huwag matakot na bumili ng isda.
Bumagsak kasi ang bentahan ng isda mula nang maiulat ang mga kaso ng COVID-19 sa Central Fish Market.
Pero hindi lang ang mga nagtitinda ang naapektuhan ng pagbagsak ng bentahan ng isda.
"Our people who are in the fisheries industry cannot sell their fish. People of this country are not eating fish," paliwanag ni Wedaarachchi, na dati ring fisheries minister ng kanilang bansa.
"I brought this fish to show you. I am making an appeal to the people of this country to eat this fish. Don’t be afraid. You will not get infected by the coronavirus," paghikayat niya sa mga tao.--Reuters/FRJ, GMA News