Matapos tiyakin ni Angie Mead King sa kaniyang mga supporter na maayos ang kaniyang kalagayan, ibinahagi niya ang video nang biglang magliyab ang likod ng kaniyang minamanehong sports car habang bumibiyahe sa South Luzon Expressway (SLEX) nitong Huwebes.

Sa kaniyang Instagram post, nilinaw ni King na hindi naman masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan dahil pinapaayos pa niya ito o isinailalim sa modification.

Sa video, inihayag ni King ang kasiyahan sa takbo ng sports car at mga plano pa sana niyang gawin sa sasakyan.

Hanggang sa mapapansin sa video na may biglang umusok sa likod nito at nasundan ako ng paglabas ng malakas na apoy.

"Fire! fire!," saad ni King nang mapansin na niya ang apoy sa likod.

Maya-maya pa, itinabi na ni King ang sasakyan, at kinuha ang kaniyang gamit sa loob.

“People were saying I was driving really fast when I wasn’t. I tried to save my OBD scanner in the back of the car also but it was burnt to a crisp. The car was in break in mode and I was vlogging how happy I was until [it] caught [fire],” saad ni King sa post.

Isang Acura NSX, na luxury two-seater sports car ang nasunog na sasakyan.

Sa Instagram Stories na ipinost ng kaniyang asawa na si Joey Mead, nagbigay ng ilang detalye si King sa nangyari.

Ayon kay King, palabas na siya Biñan exit sa SLEX nang may bumusina sa kaniya. Nang tumingin siya sa rearview mirror, doon na niya nakita ang apoy sa likod ng kotse.

"It was heartbreaking. Now, watching it more now, it sucks because I was just sharing with my vlog how this is it. This is the driver car of driver cars. It was such a fun car to drive," pahayag ni King.

Nang may magtanong kung ano ang posibleng nangyari, sabi ni King, "It felt like a fueling issue, but we'll never know because they don't have autopsies here for cars."

"Thank you for checking in on me, I'm alive and lungs feel fine now," saad niya sa post.

"It was a short lived experience and I think the NSX is a pure drivers car. One day I'll get another one for sure but for now I'll live another day. Thank you to the Good Samaritan for picking me up on SLEX, The fire, towing and SLEX police were amazing and wanted to thank them for the speedy service. This was traumatic to say the least and a fire extinguisher wouldn't have put out the flames at all," saad niya.-- FRJ, GMA Integrated News