Isang grupo ng magbabarkada ang namangha nang mapuntahan nila ang isang nakatagong kuweba sa Tulunan, North Cotabato. Nang pasukin kasi nila ang loob nito, tumabad ang mga kumikislap na bato na tila may mga nakadikit na gintong alikabok.
Pero bukod pa sa tila gintong alikabok na nakadikit sa mga bato, may paniniwala rin ang mga residente na mayroong sundalong Hapon na nagtago doon ng mga kayamanang ginto.
Ang isang opisyal naman ng barangay, nagpahayag ng kaniyang paniniwala na hindi nakapagtataka kung may gintong makita sa kuweba dahil ilang kilomentro mula umano rito ay isang dating gold drilling site.
Para malaman ang katotohanan, pinuntahan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang kuweba, kasama ang ilang geologist para siyasatin ang mga umano'y mga ginto sa bato. Panoorin sa video ang kanilang natuklasan.
--FRJ, GMA News